HINDI KITA KAILANGAN

[Verse 1]

‘Di ko yata kayang magmahal

Ng isang katulad mo

Andiyan ka lang kapag gusto

Samantalang andito lang ako

Mukhang tanga naghihintay

Baka sakaling bumigay

At kausapin mo na rin ako sinta
[Pre-Chorus]

Ba’t bigla na lang nawala? (Ba’t bigla na lang nawala, nawala?)

Iniwan nang walang salita (Ganu’n ka lang pala)

[Chorus]

Kailangan mong malaman na

Hindi kita kailangan

Para maging masaya

Sanay na ‘kong mag-isa

Hindi ako naghahabol

Pasensiya na, sawa na ‘kong

Umasa sa wala

Ayoko nang mabalewala[Verse 2]

Naniwala sa sinabi mo

Na mahal mo rin ako

‘Di pala ‘yon totoo

Samantalang andito lang ako

‘Di makatulog sa gabi

Nagtataka kung may mali

Ba’t bigla kang nanlamig, o sinta?[Pre-Chorus]

Kahit ibigay ko ang lahat

Sa puso mo’y hindi pa rin sapat (Wala namang sapat)[Chorus]

Kailangan mong malaman na (Kailangan mong malaman)

Hindi kita kailangan (Hindi kita kailangan)

Para maging masaya

Sanay na ‘kong mag-isa

Hindi ako naghahabol (Hindi ako naghahabol)

Pasensiya na (Pasensiya na sa’yo)

Sawa na ‘kong umasa sa wala (Mukha na ‘kong tanga)

Ayoko nang mabalewala

[Outro]

‘Di kita kailangan (Ayoko na)

Hindi kita kailangan (Ayoko na)

Hindi kita kailangan (Ayoko na)

Ba’t ba minahal pa rin kita?